Nakapagtataka
September 10, 2006Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat 'di tayo bagay…
O bakit ganito ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka… nakapagtataka
Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Walang tigil ang ulan at nasaan ka, araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka… saan ka napunta
Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman.
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan
APO Hiking Society
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






